Tungkol Sa Partnerships For Families (PFF)
TUNGKOL SA PARTNERSHIPS FOR FAMILIES (PFF)
Ang (PFF) ay isang programa na pinopondohan ng Department of Children and Family Services (DCFS) na idinisenyo upang palakasin ang mga paraan ng proteksyon para sa mga pamilya at maiwasan ang pang-aabuso sa bata. Ang mga de-boluntaryong serbisyo na bumubuo sa PFF ay inaalok para sa 6 hanggang 12 buwang buntis na babae at sa mga pamilyang may anak na 5-taong gulang o mas bata na may panganib sa pang-aabuso. Ang Koreatown Youth and Community Center (KYCC) kasama ng ibang mga organisasyon ay nagbibigay ng PFF para sa komunidad na Asian American/Pacific upang maibuti ang mga kinalabasan sa antas ng pamilya at pamayanan.
KASAMA SA MGA SERBISYONG BINIBIGAY NG PFF AY, PERO HINDI LIMITADO SA
- Pangkalahatang Pagpapayo
- Interbensyon sa Krisis
- Pamamahala ng Kaso
- Suporta na Kongkreto
- Psychotherapy
SINO ANG SINISILBI SA PROGRAMANG ITO?
Ang PFF ay nilikha upang maibuti ang kalidad ng buhay para sa mga batang hindi pa pinapanganak hanggang sa edad na 5.
Ang patamaang populasyon ay mga babaeng buntis o mga pamilya na may anak na 5-taong gulang o mas bata na maaaring may isa o mas marami pa na panganib para sa pang-aabuso ng bata:
- Karahasan sa Tahanan
- Pang-aabuso ng substansya
- Mga isyu na ugnay sa Kalusugang Pangkaisipan (e.g., postpartum depression/anxiety)
- Batang edad (e.g., mga tinedyer na magulang)
- Mga pamilyang nasa panganib na tinukoy sa PFF ng Department of Children and Family Services
CLINICAL SERVICES
Chinatown Service Center – Alhambra Office
320 S. Garfield Ave., Suite 202
Alhambra, CA 91801
(626) 598-3883
cscla.org
PARTNERS